Home ENTERTAINMENT Wilbert, nabaliw sa Mukbang Dance Craze!

Wilbert, nabaliw sa Mukbang Dance Craze!

Manila, Philippines- Ibang klase talaga ang energy at ang determinasyon ng kilalang influencer at vlogger na si Wilbert Tolentino.

Aba, pagkatapos niyang magtagumpay as a vlogger through his Wilbert Tolentino Vlogs with 2.3M subs as of this writing, ngayon naman ay pinasok na rin niya ang pagiging recording artist.

Naririnig na rin sa radio at social media apps ang novelty song na Kain Tayo under One Force Event and distributed by Star Records under ABS-CBN Music.

Teka, sounds familiar ang Kain Tayo, a.

“Mula sa kontrobersiyal at pinag-usapang ‘kainan isyu’,¬†¬†ginawa ko itong kanta,” sabi ni Wilbert.

Genius dahil ngayon ay nagbabadyang mag-viral ang Kain Tayo Mukbang Dance Craze sa socmed.

Iba rin ang hugot ng lyrics ng kantang Kain Tayo!

“Dito sa novelty song na Kain Tayo, ‘gugutumin’ lang naman tayo ng lyrics dahil feautred dito ang iba’t ibang delicacies ng original Filipino food gaya ng adobo, puto’t kutsinta, bibingka at iba pa.

“May music video na rin ang Kain Tayo kung saan pinagsama-sama natin ang mga sikat na influencers sa pagkain like Euleen Castro, Chef Hazel, Malupiton, Happy Friends, Crazymix, Femme Manila, with the special participation of the controversial, Herlene Nicole Budol AKA Hipon Girl.”

Mapapanood din daw sa music video ang Mukbang Dance Craze na kinalolokohang isayaw ngayon sa TikTok.

Nakaka-aliw nga ang dance moves ni Wilbert na ginagaya na ngayon ng mga kabataan dahil nakaka-good vibes ito at bagay na bagay sa TikTok!

Kudos sa director ng music video na si Edrex Sanchez at ang creative director na si Ryan Soto.

Mataba talaga ang utak ni Sir Wilbert dahil siguradong makakatulong ang novelty song na ito para mai-promote ang food tourism ng Pinas sa buong mundo.

FYI, isa na ring certified actor si Sir Wilbert dahil kasama siya sa main cast ng GMA7’s Black Rider kung saan ay binibigyan niya ng buhay ang character ni Doctor Wilford Bernardo, na isa ring negosyante.

Ano naman kaya ang susunod na papasukin ni Sir Wilbert?

Abangan ang susunod na kabanata. JP Ignacio

Previous articleAICS beneficiaries inayudahan
Next articleVilma, may payo kay Cedric!