Manila, Philippines – Evidently, ginastusan ng malaki ang recently concluded na birthday bash ng sikat na influencer at celebrity businessman na si Wilbert Tolentino na ginanap sa Palacio de Manila nu’ng May 18, 2023.
Nakakuha rin ng atensyon ang unang OOTD niya nang pumasok siya sa events place na Voltes V inspired since ito ang isa sa mga bagong programa sa GMA7 na pinag-uusapan sa ngayon.
Sa blue and white combination ng kanyang top at bottom na animo’y Big Falcon headquarters ng Voltes V, ito ang unang inirampa ni Wilbert sa red carpet birthday bash niya nu’ng gabing ‘yon. Isa rin ‘yun sa tinalakay sa kanyang interview sa 24 Oras ng GMA7.
“Hindi naman talaga plan na maging Voltes V inspired pero nagustuhan ko ang design kaya ito ang una kong sinuot bilang birthday ko naman ngayon. May mga changes pa akong gagawin kaya pakiabangan,” pabirong sabi ni Wilbert.
True to what he has said, tatlong beses nagkaroon ng costume changes si Wilbert at lahat ng mga naging outfit niya ay talaga namang attention grabber.
48 years in the making ang tema ng kanyang birthday na dinaluhan ng kanyang family at mga close friends.
“Hindi dapat ako magse-celebrate pero kasi ‘yung mga staff ko naghanda. Sina Kendall at Mama Genesis kaya ayun. Ginawa ko na rin itong opportunity para nakapagpasalamat at para maka-inspire,” sabi pa niya.
Present din sa malaking event sina Skusta Clee, Flow G, ang kanyang alagang sina Herlene Budol at Madam Inutz.
Sinabi rin ni Sir W na kailangan niya ng prayers.
“Prayers para maging malakas pa ako at mas marami pa ang matulungan.
“Ito lang naman ang core values ko, ang commitment, honesty, loyalty at dedication,” sabi pa niya bilang words of wisdom para naman sa staff ng kanyang nga negosyo.
In behalf of Remate online, happy birthday Sir W. JP Ignacio