Manila, Philippines – Ang sabi, the future belongs to those who believe in the beauty of their dreams.
Fall in love with your dream. The more passion you have for your dream, the more likely you are to see it become a reality.
Yan malamang ang life mantra ng isang working student na sumulat at humingi ng tulong sa Dear Wilbert public service program ng social media influencer at philanthropist na si Wilbert Tolentino.
Naantig naman ang puso ni Sir Wilbert sa kanyang letter sender dahil gaya nito ay naging working student din si Ka-freshness.
Naalala ni Tolentino na nu’ng estudyante pa siya ay nagbebenta rin siya ng kung ano-ano para makatulong sa kanyang pag-aaral.
Hard-working talaga bilang estudyante si Sir Wilbert kaya naman hindi nakapagtataka na nagtatagumpay siya sa bawat larangan na kanyang pinapasok.
FYI, naging sales person din si Sir Wilbert kaya super-relate siya sa mga nangyayari sa kanyang letter sender.
In this particular episode, halos binubuhat ng letter sender ang mundo dahil bukod sa siya na ang nagpapaparal sa kanyang sarili ay tinutulungan din niya ang kanyang nanay sa maintenance medicine na kailangan nito.
Dahil dito ay doble-kayod ang ginagawa ng letter sender sa kanyang trabaho, hanggang sa umuutang na siya sa kanyang supervisor para lang mabayaran ang mga obligasyon niya bilang isang estudyante.
Hindi naman nabigo ang letter sender dahil at his very usual self ay tumugon agad si Sir Wilbert kung saan ay binigyan siya ng P20,000 worth of starter pack ng isang skin care product para makapagsimula siya sa business ng sales at binigyan din siya ng Gcash worth P5K para makabili ng gamot sa kanyang nanay.
Tuloy-tuloy ang pag-feature ni Sir Wilbert ng bagong istorya sa nasabing FB Public Service program na trending na ngayon sa socmed world.
Sabi ni Wilbert, sa mga taong nais na dumulog at ihinga ang kanilang problema sa Dear Wilbert, makipag-ugnayan lang sa FB Page ni Wilbert Tolentino, makipag-ugnayan sa FB admin at ilahad ang inyong istorya. JP Ignacio