Home ENTERTAINMENT Wilbert Ross, madaling ma-fall sa profile pic!

Wilbert Ross, madaling ma-fall sa profile pic!

318
0

Manila, Philippines – Inamin mismo ng comedian/sexy actor na si Wilbert Ross na madali siyang ma-fall sa prpfile pic ng isang secmed user. Si Wilbert na rin ang nagsabi na basta bet niya ang profile pic ay ina -add niya ito agad as friend, or pina-follow agad ang account hindi tulad ng iba na hindi basta nagtitiwala sa profile pic na kadalasan ay pinepeke lang.

“For me, profile pic matters and hindi ako magsisinungaling kasi naga-add ako ng FB based on profile picture,” deretso niyang sabi sa naganap na mediacon ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile series na ipapalabas sa Puregold channel sa YouTube.

Napag-usapan kasi ang socmed account at ang profile pictures na inilalagay ng ibang user lalo’t yung iba ay fake picture ang nilalagay o poser lang.

Anyway, kasama ni Wilbert sa nasabing serye sa Puregold channel sina Yukio Takayashi, Kat Galang, Migs Almendras,, Marissa Sanchez, Star Orjaliza, Moi Marcampo, TJ Valderrama, at Anjo Resurreccion helmed by award-winning filmmaker and producer Chris Cahilig.

May malaking announcement naman na inihayag si direk Chris na this coming week ay isang napakalaking programa ang kanilang ilalatag para sa filmmakers so watch out for it.

In the meantime, literal na dinumog ng tao ang World Trade Center kung saan ginanap ang mediacon lara sa YouTube series na Ang Lalaki sa Likod ng Profile dahil sa convention ng Aling Puring Sari-Sari Store Negosyo. JP Ignacio

Previous articleTanod binaril-patay
Next articlePaghahanda sa FIBA ​​World Cup sisimulan ng Gilas sa June 1

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here