Home NATIONWIDE Wildlife conservation bill pinaboran ng mga solon

Wildlife conservation bill pinaboran ng mga solon

MANILA, Philippines– Pasado na sa Kongreso ang panukalang nagsusulong ng mas maigting na proteksyon sa wildlife resources at habitat ng bansa.

Nilalayon ng House Bill No. 8586, na inaprubahan nitong Miyerkules, na i-repeal ang Republic Act No. 9147, o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act, at magtatag ng bagong batas na magpapalakas sa pagsisikap ng pamahalaan na protektahan ang wildlife.

Ipinagbabawal sa panukala ang iba’t ibang aktibidad na delikado sa wildlife, kabilang ang pagpatay, pananakit, paghuli, pagkolekta, pagbebenta at pagdadala ng wildlife nang walang permit. Magpapataw din ito ng mas mabigat na parusa sa wildlife trafficking at laundering.

“If we do not take decisive action now, we risk losing irreplaceable species and ecosystems that have thrived for generations,” ani Speaker Martin Romualdez na binigyang-diin ang pangangailangan na ipatupad ang panukala.

Itinutulak din ng HB 8586, konsolidasyon ng 12 panukala, ang paglikha ng bagong ahensya, ang Wildlife Resources Management Bureau, na siyang magpapatupad ng batas at mga probisyon nito.

Akma ang panukala sa lahat ng “wildlife species found in all areas of the country, including exotic species which are subject to trade, are bred or cultured in captivity or propagated in the country.” RNT/SA

Previous articleDOLE: Higit kalahati ng ininspeksyong construction sites, lumabag sa OSH standards
Next article5 todas, 1 sugatan sa trailer truck vs SUV