Home ENTERTAINMENT Willie, ginawang show ang prayer rally sa Cebu!

Willie, ginawang show ang prayer rally sa Cebu!

Manila, Philippines- Mas nadagdagan pa ang dahilan kung bakit nungkang iboboto ni Cristy Fermin ang dating malapit na TV host sa kanya na si Willie Revillame.

Sa programang CFM nitong February 26, naging paksa nila ni Rommel Tsika ang prayer rally na inatenan ni Willie sa Cebu.

Very obvious kundi man basic na pag sinabing prayer rally ang pagtitipong dadaluhan ng isang tao’y napakalayo nito sa ambiance ng isang noontime show.

Nakalimutan yatang paalalahanan ang TV host na hindi siya naroon para magtimon ng palatuntunan sa telebisyon tulad ng kanyang nakasanayan.

Or shall we say, pinananabikang gawin muli.

Ani Cristy, ang dami-dami raw nagte-text sa kanya sa kung ano ang mga pinaggagawa ni Willie sa naturang prayer rally.

Ang nakasanayan na raw niyang ugaling mainitin ang ulo at naninita ng production staff ay bitbit daw niya hanggang Cebu!

A case in point ay ang isang lightman na sinita niya ang trabahong “palpak” nito.

Isang babae rin daw sa audience ang pinagtripan ni Willie.

Dahil maraming kuwento ang naiparating kay Cristy, hindi niya mapigilan ang sariling matawa na lang sa “pagkakalat” ni Willie.

Matatandaang sa Davao City kamakailan ay inanunsyo ni Willie ang pagtakbo niya bilang senador sa 2025 mid-term elections.

Lantarang sinabi ni Cristy sa kanyang programa na walang botong aasahan si Willie mula sa kanya. Ronnie Carrasco III

Previous articleNurses group tutol sa pagtanggap ng clinical care associates
Next articleBagong PCGG commissioner pinangalanan