Home ENTERTAINMENT Willie, may bagong yate!

Willie, may bagong yate!

Manila, Philippines – May natuklasan ang ibang mga miyembro ng press nang bumisita sa Manila Yacht Club kamakallan.

Anong naghihirap na si Willie Revillame?

Hindi, ‘no!

Sa katunayan, napasyalan umano ng ibang press members ang bagong biling yate ni Willie.

For the record, apat na yate ni Willie ang nakadaong sa naturang yacht club.

At pinakamalaki ang yateng nilibot nila.

Willie’s newly acquired salling vessel boasts of six rooms.

Ang anim na kuwartong ‘yon ay may sariling TV.

What’s more, sa laki at garbo nito’y meron itong helipad kung saan nakahimpil ang chopper ng TV host.

Wala rin daw masabi ang mga nag-tour doon sa linis at ayos ng yate.

Maging hanggang sa ituktok daw ng yate ay maayos ang mga gamit at pagkalinis-linis kung titingnan.

Sa katunayan, bago makapasok sa yate ay kailangang magtanggal pa ng sapatos dahil ayaw raw ni Willie na marumihan ito.

Ganoon daw ka-consistent si Willie when it comes to observing cleanliness kahit sa vacation house niya sa Tagaytay.

Marami nga ang nagsasabing kinabog ni Willie si ex-Gov. Chavit Singson na may pag-aari ring yate roon.

Mas malaking ‘di hamak daw ang kay Willie.

Bukod sa yate, balita ring may mga speed boat si Willie.

Walang kaproble-problema si Willie sa pagta-travel, dahil mapa-land, air at water ay may sasakyan siya.

Spaceship na lang ang kulang! Ronnie Carrasco III

Previous articleMiyembro ng IDF na dugong-Pinoy patay sa Gaza blast – embahada
Next articlePagbibigay ng RFID discounts sa seniors, PWDs tiniyak sa Kamara