Home ENTERTAINMENT Willie, nagpahiwatig ng pagbabalik!

Willie, nagpahiwatig ng pagbabalik!

691
0

Manila, Philippines- Sa music video idinaan ni Willie Revillame ang kanyang napipintong pagbabalik sa pamamagitan ng programa niyang Wowowin.

Mula sa komposisyon ng award-winning composer na si Vehnee Saturno, may pamagat na Babalik Ako ang awitin.

Ini-release ito sa official Facebook page at YouTube channel ng Wowowin nitong gabi ng July 4, Martes.

Ilan lang sa madamdaming lyrics ng kanta ay ang pagka-miss ni Willie sa hiyawan, palakpakan at yakapan characteristic of his temporarily suspended show.

Magugunitang isa ang Wowowin sa tatlong programa sa Villar-owned network na AllTV na ipinatigil muna sa pagsasahimpapawid until further notice.

Paliwanag ng pamunuan ng network, pinalalakas daw nila ang kanilang nationwide reach.

May ipinagagawa pa ngang separate studio para sa Wowowin sa Starmall, Edsa corner Shaw Blvd.

Habang wala ito sa telebisyon ay patuloy pa ring napapanood ang Wowowin online.

Hindi maikakaila ang malaking ambag ng naturang programa sa layunin nitong makapaghatid ng tulong sa ating mga kababayan.

Early this year, nabalitang nag-disengage na si Willie sa AllTV.

Habang walang pinagkakaabalahan ay nakapirmi lang daw si Willie sa kanyang resort house sa Mindoro o ‘di naman kaya’y sa hotel niya sa Tagaytay City.

Ang dapat sana’y US tour niya ay nakansela nang almahan umano niya ang laki ng porsyentong kukubrahin ng Viva.

Itinuturing namang welcome news ng kanyang mga masugid na tagasubaybay ang pahiwatig ni Willie na balik-TV siyang muli.

Ang tanong: saang network kaya masisilayang muli ang kanyang Wowowin? Ronnie Carrasco III

Previous articleConfidential funds ginamit nang maayos – OVP
Next article‘Entertainment complex’ nadiskubre sa loob ng sinalakay na POGO firm sa Las PiƱas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here