Home ENTERTAINMENT Wilma tinawag na kabayo! ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Wilma tinawag na kabayo! May 20, 2023 15:00 496 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Model and actress Wilma Doesnt has indeed learned her life lessons. In her guesting on Fast Talk with Boy Abunda ay sumentro ang diskusyon sa kabaliwan niya sa pag-ibig. Not one to hide anything from the public, inamin ni Wilma na dalawang beses siyang nabaliw sa pag-ibig. Those two failed relationships produced two children. Pero nag-iba ang ihip ng hangin sa kanyang ikatlong relasyon. Sinabi raw niya sa kanyang sarili na sapat na ang dalawang naunang kabiguan. In short, Wilma has found Mr. Right sa katauhan ni Gerick Parin, 10 years her junior. Sa kabila ng pagkakaroon ng strength of character, Wilma isn’t ashamed to admit na ang mga tulad nilang strong women ay umiiyak din. “Ano ako, mannequin? Umiiyak din ako to let it out, para malaman ko rin ang sagot sa tanong ko,” she justifies. Sa ngayon, Wilma has her hands full. Bukod sa pagiging nanay sa kanyang dalawang anak, Wilma is equally busy with her showbiz work and attending their resto business. Doesn’t she ever get tired? Ayon sa kanya, ang salitang “pagod” daw never exists in her vocabulary. Isa na rito’y genetic ang dahilan for having such high level of energy. Ikalawa’y ang pagtulog ng 14 hours a day para fully recharged siya paggising. Ang ‘di raw niya pagsasagad sa kanyang katawan is her secret to that energetic power. Sa katunayan, ikinukumpara raw siya ng kanyang “Baby Love” sa isang stallion sa pagkakaroon ng unlimited energy. “Sasabihin sa akin ng asawa ko, ‘Ako, napangaswa ako ng stallion!’ Tatanungin ko naman siya, ‘Ano ‘yon?’ Lalaking kabayo raw,” pagbibida ni Wilma. Partida pa ‘yan dahil mas matanda pa si Wilma nang sampung taon sa asawa niya, ha? Ronnie Carrasco III