MANILA, Philippines- Inihayag ng Australian Embassy sa Manila nitong Biyernes na magbubukas sa sunod na taon ang aplikasyon para sa “work and holiday visa,” sa pagpayag ng Canberra na isama ang mg Pilipino sa bagong visa scheme.
Inanunsyo ang “new reciprocal work and holiday visa for Australians and Filipinos” ni Australian Prime Minister Anthony Albanese sa official visit niya sa Manila noong Sept. 8 sa pagtalakay nila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga paraan upang palakasin ang Philippine-Australian economic, cultural, at people-to-people links.
Ayon sa Australian Department of Home Affairs, pinapayagan ng ganitong uri ng visa ang eligible nationals edad 18 hanggang 30 taong gulang na magkaroon ng extended holiday sa Australia at magsagawa ng short-term work upang pondohan ang kanilang paglalakbay; mag-aral hanggang apat na buwan; o pumasok sa “specified subclass 462” work sa loob ng tatlong buwan upang maging eligible para sa ikalawang work and holiday visa.
Isa sa mga rekisitos ay sapat na pondo upang suportahan ang sarili habang nasa Australia.
Inihayag ng home affairs department na aabot ito ng halos 5,000 Australian dollars (tinatayang P180,900) para sa initial stay at karagdagang cash na sapat upang makabili ng flight ticket para makaalis ng Australia matapos ang itinakdang panahon.
Nagkakahalaga ang work and holiday visa ng 635 Australian dollars (tinatayang P22,974) at mabibigyan ang holder ng hindi bababa sa 12 buwang pananatili sa Australia.
Sa kasalukuyam, hindi pa naglalabas ang Australian Embassy sa Manila ng partikular na detalye sa application process para sa Filipino nationals.
Anito, mag-iisyu ito ng factsheet sa sunod na linggo at “applications will open next year at a date to be announced.” RNT/SA