MANILA, Philippines – Sa pagdiriwang ng ika-57 World Day of Social Communications sa May 21, hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na buksan ang puso at isipan sa Panginoon upang maibahagi ang mabuting balita sa pamayanan.
Ayon kay BCP Episcopal Commission on Social Communications Chairman, Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. bilang binyagang Kristiyano ay tungkulin ng bawat isa na ipahayag at ipakilala si Hesus sa lahat ng dako lalo na sa mga taong walang pananampalataya.
Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang ‘Speaking with the Heart’ na hango sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga Efeso kung saan kinakailangang mangusap ang mga mnisyonero mula sa puso upang tumimo sa pamayanan ang diwa ng pag-ibig ni Kristo sa sanlibutan.
Advertisement