Home OPINION WORLD DIABETES DAY

WORLD DIABETES DAY

ANG inyong Agarang Serbisyo Lady ay nakikiisa sa paggunita eksakto ngayong araw na ito, November 14, bilang “World Diabetes Day” sa pangunguna ng United Nations na nagsimula pa noong taong 2006. Ang tema ngayong taon ay “Access to Diabetes Care – If not now, when?”.
Ano ang ibig sabihin ng Diabetes? Ito ang problema sa blood sugar at insulin
Ano naman ang Insulin? Ginagamit ng iyong katawan ang glucose (isang uri ng asukal) upang pagkunan ng enerhiya. Kinokontrol ng insulin ang dami ng glucose sa dugo upang pagkunan ng enerhiya para sa mga gawaing pang-araw-araw. Kailangan mo ng insulin sapagkat hindi na nakakagawa ang     iyong katawan ng insulin o hindi sapat ang dami nito upang mapanatili ang tamang antas ng glucose sa dugo.
Ayon sa IDF Diabetes Atlas, sa buong mundo ay may 537 million na diabetic at inaasahang tataas ito sa 578 million sa taong 2030.
Sa bilang na ito, 4.2 million ang namamatay kada taon sanhi ng Diabetes. At umaabot sa US$760 billion dollars ang nailalaan bilang health expenditure sa buong mundo.
Dito sa Pilipinas, ito ang 6th leading cause of death sa mga Pilipino at ayon sa Philippine Center for Diabetes Education Foundation ay may tinatayang 6 million ang may Diabetes na ating mga kababayan. Kaya lubhang mahalaga talaga ang balanseng pagkain at mga gawain.
MAY PAALAALA ANG NCSC NA HUWAG
MANIWALA SA KUMAKALAT HINGGIL SA
PAGTANGGAP NG P1,000 KAPAG SA KOMISYON
Ipinapaalam ng NCSC o ng National Commission on Senior Citizens na wala pong makukuhang isang libong piso (P1,000) kung magpaparehistro sa ginagawang database ng Komisyon.
Pinag-iingat ang mga senior citizen at kanilang mga kaanak sa fake news na ito na kumakalat sa social media.
Ang katotohanan, nagpapatuloy ang NCSC sa pagtanggap sa registration form ng mga nakatatanda para maisama sa ginagawang national database.
Isa pang katotohanan ay ang pagtaas ng social pension mula sa Php 500 pesos na naging one Php 1,000 pesos na alinsunod sa Republic Act No. 11916 na naging epektibo na simula ngayong taong 2023.
Para sa klaripikasyon, makipag-ugnayan sa inyong OSCA o Office of the Senior Citizens Affairs na nasa mga Barangay, munisipalidad at mga lungsod.

Previous articlePassenger, safety certificate ng tumagilid na RoRo sa MisOr, sinuspinde ng MARINA
Next articleANG TULAY NG MAGABI AT ANG AKSIDENTE NG NAKARAAN (Part 2)