Home NATIONWIDE World record sa pinakamalaking human lung formation nasungkit ng PH!

World record sa pinakamalaking human lung formation nasungkit ng PH!

MANILA, Philippines- Nakamit ng Pilipinas nitong Sabado ang Guinness World Record para sa pinakamalaking human lung formation, na tumalo sa unang record ng India.

Para sa lung formation, nilahukan ito ng 5,596 participants, na tumalo sa 5,007 ng India noong 2017. 

Kasabay ito ng paggunita sa World Tuberculosis (TB) Day ngayong taon sa Quirino Grandstand.

Ani Chong Wai Yip, adjudicator sa Guinness World Records, sa pagsungkit ng bagong record, kinonsidera nila ang bilang ng mga kalahok, porma ng human lung, at kailangang walang espasyo sa official recording.

“Pinakita ng mga kababayan nating Pilipino na kapag tayo ay may gustuhin – mag-break ng Guinness World Record… the idea is World TB Day, kailangan malaman ng tao na  mayroon pa ring sakit na TB. Walang stigma diyan. Nagagamot ang TB,” sabi ni Health Secretary Ted Herbosa.

“Ang ginagawa natin ay hindi  lang sa Pilipinas, para sa buong mundo. Ang TB ay hindi lang problema sa Pilipinas, problema ito sa buong mundo,” dagdag niya.

Tumaas ang bilang ng TB cases sa Pilipinas noong 2023, nauna nang sinabi ng opisyal.

May kabuuang 612,000 TB cases ang naiulat noong 2023. Katumbas ito ng tinatayang 549 kaso kada 100,000 populasyon, na mas mataas sa 439 kaso kada 100,000 noong 2022. RNT/SA

Previous articleAvian flu vax mula Czech Republic sinisilip ng Pinas – PBBM
Next articleArmyworm infestation sa sibuyas binabantayan ng DA