Home NATIONWIDE ‘Worst traffic’ global ranking ng Metro Manila aaksyunan ng PH gov’t

‘Worst traffic’ global ranking ng Metro Manila aaksyunan ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Papaspasan ng gobyerno ang road projects  matapos pangalanan ang Metro Manila na mayroong “worst traffic” sa metro areas sa buong mundo, ayon sa Department of Transportation (DOTr) nitong Biyernes.

Sinabi ng Transportation Department na ang ranking ng capital region sa TomTom Traffic Index 2023 “poses a challenge” para sa ahensya at sa buong pamahalaan.

“Our ongoing road transport infrastructure projects are directed at improving commuter experience while addressing worsening traffic in highly urbanized areas,” pahayag ng departamento.

“We will fast track road projects while collaborating with appropriate agencies with the help of the private sector,” patuloy nito.

Batay sa index, nasasayang ang halos 117 oras kada taon ng mga motorista at commutersa Metro Manila dahil sa traffic congestion tuwing rush hours.

Anito pa, inaabot ng average na 25 minuto at 30 segundo ang 10 kilometrong paglalakbay ng Pinoy —malayo sa eight-minute average ng Greensboro-High Point sa North Carolina, United States, na naguna sa listahan ng 387 metro areas sa 55 bansa.

Sinundan ng Lima sa Peru ang Metro Manila sa listahan ng TomTom. Kabilang din ang Bengaluru sa India, Sapporo sa Japan at Bogota sa Colombia sa bottom five. RNT/SA

Previous articleLTFRB: Walang nakaambang transport crisis sa NCR
Next articleSarah, nagparinig, may kaibigang nag-traydor?