Manila, Philippines – Bagama’t under negotiations pa, mas lamang ang posibilidad na mapapanood na ang Wowowin ni Willie Revillame simula sa darating na October 2.
Ito ang ipinahayag ni Ana Puod, general manager ng state-owned network na PTV 4.
Ang mangyayari, magkakaroon ang Wowowin ng simulcast sa IBC 13.
Walang gaanong malaking pagbabago sa nasabing programa which used to air daily except Saturday.
Eere ito mula alas singko ng hapon hanggang 6:30 ng gabi.
Inayawan pala ni Willie ang noontime slot sa ‘di malamang dahilan.
Ipinagpapalagay na lang ng marami na umiiwas na lang si Willie na makigulo sa nasabing block considering na tationg programa ang babanggain niya: ang E.A.T. sa TV5, Eat Bulaga sa GMA at It’s Showtime sa GTV.
Ayon kay Puod na matagal na palang kaibigan ni Willie back in ABS-CBN, nais ipagpatuloy ni Willie ang nakasanayan nang pagtulong sa ating mga kababayan.
Ni hindi nga raw nagtanong ang TV host kung magkanong suweldo ang kanyang tatanggapin.
Naging panatag naman daw ang kalooban ni Willie nang malamang malawak ang reach ng PTV4 kumpara sa ibang istasyon.
Magandang development din ito para sa IBC13 na pinamumunuan ni Jimmy Policarpio.
Kamakailan kasi’y naiulat ang bilyong pisong kakailanganin nito para mabayaran ang suweldo ng kanilang mga retirado nang empleyado.
Matatandaan ding hindi nagtagal si Willie sa nilipatang AIITV na pag-aari ni dating Senator Manny Villar.
Pinili niyang lumipat sa Villar-owned network leaving GMA in February 2022 na naging tahanan ng Wowowin sa loob ng pitong taon.
Bago ang GMA, galing muna si Willie sa ABS-CBN at TV5.
His talks with TV5 reportedly bogged down nang hindi nasunod ang nais mangyari ni Willie na gawing co-prod ang kanyang programa.