Home LIFESTYLE WPS binuksan sa turismo!

WPS binuksan sa turismo!

MANILA, Philippines – Binuksan ng lokal na pamahalaan ng Kalayaan Group of Islands ang West Philippine Sea para sa lokal na turismo.

Ito ay sa pamamagitan ng Great Kalayaan Expedition project, kung saan layon ng lokal na pamahalaan na gawing tourist destination ang West Philippine Sea na kilala para sa game fishing at diving.

Sinimulan nitong Huwebes ng hapon, Marso 16, ang kauna-unahang expedition ng BRP Melchora Aquino, pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sakay ng BRP Melchora Aquino ang mga miyembro ng technical working group ng Kalayaan tourism kabilang ang mga representative mula sa Palawan Provincial Tourism Office at Palawan Council for Sustainable Development.

Kasama rin dito ang mga game fishing at recreational diving experts.

“Ang aim po sa Great Kalayaan Expedition is to finally open the West Philippine Sea, ang ganda at ang lahat ng kayang i-offer ng West Philippine Sea, especially ang Municipality of Kalayaan pagdating sa kaniyang tourism resources,” sinabi ni Ken Hupanda, Kalayaan Municipal Tourism officer.

Maliban sa diving, umaasa rin ang municipal officers ng Kalayaan na makikilala ang lugar na primary game fishing destination sa bansa.

Sa kabila nito, hindi naman itinanggi ng mga awtoridad na nananatiling isyu ang seguridad sa lugar lalo na sa presensya ng mga barko ng China roon.

“Marami tayong expected na sightings of Chinese vessels but we hope na magpu-pursue po itong project, na we’ll reach its aim po na i-open ang West Philippine Sea for tourism,” ayon kay Hupanda. RNT/JGC

Previous articleTopacio sa pag-uugnay kay Teves sa Degamo slay, ‘No direct evidence’
Next articleKiko, dumipensa sa paghuhubad, sinabing mas malala pa ang ama!