Home OPINION WPS, SMUGGLED RICE, POGOS ETC.

WPS, SMUGGLED RICE, POGOS ETC.

PANGANGAMKAM ng teritoryo natin sa West Philippine Sea, pagpupuslit ng bigas, kaliwa’t kanang sugal sa mga casinong ugat din nang tumataas na bilang ng prostitusyon, paggamit ng iligal na droga, patayan at iba pang krimen na pinaniniwalaang kagagawan ng ilang Tsino ang pinaniniwalaang pinaghahasik ngayon sa ating bansa ng kalapit bansang China.

Bagaman may malalaking negosyo ngayon sa bansa ang China na nilargahan nang nakaraang administrasyon subalit kung hihimay-himayin, todo kabig pa rin ang superpower na ito sa pamamagitan nang pagpapasasa ng likas na yaman sa WPS kasabay nang perhuwisyong paghuhuthot ng corals sa ating teritoryo.

Lumutang din sa intelihensya ng Bureau of Customs kamakailan na kabilang ang ilang buwayang Tsinoy na nasa likod ng sindikato nang pagtatago ng bigas na dahilan naman nang malawakang pagsipa ng presyo nito sa mga pamilihang bayan na dagdag penitensya sa mamamayan.

Maging ang ipinagyayabang ng ilang tiwaling taong gobyerno na Philippine Offshore Gaming Operations na malaking tulong daw sa kaban ng bansa sa pamamagitan ng buwis na ibinabayad nito ay ipinatigil na rin bunsod sa malaki na nga ang utang nito sa bansa, nagsulputan din ang mga krimeng itinuturo naman ang ilang Chinese na nasa likod nito.

Sabi nga ni Senador Risa Hontiveros, kailangan panagutan ng China ang lomolobong utang nito sa bansa kabilang ang pinakahuling pagwasak nito ng corals sa Rozul Reef na hayagang paglabag sa batas ng kalikasan.

Buhay na testigo ang sambayanang Pilipino na puro perhuwisyo, pambabaluhara, pang-aapi at pangangamkamkam ang inaani natin mula sa China at kung may pakinabang man ang bansa, ’yun ay kakarampot lang.

Hindi nga natin maunawaan kung bakit kumagat sa pain ang mga nakaraang opisyal sa pamamagitan nang pagtanggap ng ilang katiting na ayuda ng Tsino,’yun pala ay aangkinin na nito ang buong WPS.

Sino nga ba ang dapat sisihin sa malawakang panghihimasok ng China kundi ang mga opisyal noong mga nakaraang administrasyon na naging sunod-sunuran sa kapritso ng mapanlinlang na bansa?

Previous articleWASTONG PAGBABADYET
Next articleCoco, nabisto sa tula kay Julia!