MANILA, Philippines- Ikakasa ang artificial intelligence startup xAI ni Elon Musk sa kanyang social media platform X at magiging available din bilang standalone app, ayon sa post niya nitong Linggo.
Sinabi pa ng bilyonaryo na inilabas ng xAI ang una nitong AI model, isang bot na nagngangalang Grok, matapos itong gawing available sa lahat ng X Premium+ subscribers noong Biyernes.
Nilalayon ng startup na lumikha ng AI tools na umaasisti sa ‘humanity in its quest for understanding and knowledge’ at idinisenyo umano si Grok upang sumagot sa mga tanong.
Inilunsad ni Musk na tumuglisa sa AI efforts ng Big Tech, nitong Hulyo ang xAI, na tinawag itong “maximum truth-seeking AI” na sinusubukang intindihin ang nature ng kalawakan.
“Grok has real-time access to info via the X platform, which is a massive advantage over other models,” dagdag ni Musk. RNT/SA