Home NATIONWIDE Xi nananatiling ‘diktador’ para kay Biden

Xi nananatiling ‘diktador’ para kay Biden

WOODSIDE, California- Inihayag ni US President Joe Biden nitong Miyerkules na hindi nagbago ang tingin niya kay Chinese President Xi Jinping na aniya’y isang diktador, kasunod ng summit talks ng dalawang pinuno na ilang buwang pinaghandaan.

Nagsagawa si Biden ng solo news conference matapos ang apat na oras na pakikipag-usap kay Xi sa San Francisco. Sa pagtatapos ng news conference, tinanong siya kung isang diktador pa rin ang tingin niya kay Xi, na matatandaang sinabi niya noong Hunyo.

“Look, he is. He’s a dictator in the sense that he’s a guy who runs a country that is a communist country that’s based on a form of government totally different than ours,” paliwanag ni Biden.

Wala naman agad naging reaksyon ang Chinese delegation, na nagtungo sa United States para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation summit sa San Francisco. Daan-daang kritiko ng Beijing ang nagsagawa ng kilos-protesta, na isinisigaw ang “free Tibet” at “free Hong Kong.”

Tinalakay ng dalawang lider sa nasabing pulong ang opinyon ni Biden sa Communist Party. Ani Xi, hindi patas ang negatibong tingin ni Biden sa Communist Party sa United States, ayon sa US official. RNT/SA

Previous articlePH-US economic, defense ties tinalakay nina PBBM, Kamala Harris
Next articleRoque: Digong ‘di na kayang pumatay