Home ENTERTAINMENT Xian, iwas sa isyu ng breakup nila ni Kim!

Xian, iwas sa isyu ng breakup nila ni Kim!

Manila, Philippines – Kumbaga sa gamot, “generic” ang sagot ni Xian Lim sa tanong na idinidikit sa hiwalayan nila ni Kim Chiu.

Ewan kung nagpatupad ang GMA ng kautusan na mahigpit na ipinagbabawal ang mga tanong related to the Kim-Xian breakup.

If so, sa isang banda’ y kauna-unawa naman ang direktiba.

Ano nga naman ang kaugnayan ni Kim sa ipino-promote na serye ng dating nobyo sa GMA?

Si Jennylyn Mercado ang katambal ni Xian sa serye at hindi si Kim from the other station.

If only for this “strictly no Kim questions” policy ay nakipag-cooperate naman ang mga press attendees.

They had to devise a way to make Xian talk in a way na para na rin siyang inusisa ng tungkol sa paghihiwalay nila ni Kim.

Maging ang umano’y “banta” ni Kim na ibibilad ang katotohanan sa likod ng kanilang breakup ay nakalutang din sa ere.

Sa halip, questions directed kay Xian ay pulos in general.

Ini-relate na lang ito sa mismong pamagat ng serye.

Safe namang sagot ni Xian: “Umulit man o hindi, everything in life happens for a reason!”

Relating his answer to the breakup, parang sinabi na rin ni Xian na may dahilan why he and Kim had to call it quits.

Pahabol pa ng obviously evasive actor: “You just have to move on!”

At ‘yun nga raw ang eksaktong ginagawa niya without making mention about the breakup.

Asked how he is now, sagot ni Xian: “Moving forward, moving on…or I have moved on!”

Isa ring understandable reason kung bakit kinailangang i-downplay ang Xian-Kim breakup ay bilang respeto kay Jennylyn.

Jennylyn proves to be a more important star in the series na natengga nang tatlong taon, pero matiyaga pa ring hinintay kung kelan na siyang ready uli na magtrabaho. Ronnie Carrasco III

Previous articleTUCP SUPORTADO ANG PAGTATAAS NG SAVINGS RATE NG PAG-IBIG FUND
Next articleAmihan, shear line magpapaulan sa Luzon