Home ENTERTAINMENT Xian, may panawagan sa GMA!

Xian, may panawagan sa GMA!

Manila, Philippines – Hindi imposibleng pagbigyan ng GMA ang kahilingan ni Xian Lim na bigyan ng mga directorial assignments.

For one, pinasok na rin ng news and current affairs ang produksyon sa TV.

Matatandang the said department was behind Lolong mula sa ideya ni Jessica Soho.

Nag-cross over na rin ito sa movies via the MMFF 2023 entry Firefly na tinanghal pa na Best Picture.

With this development, from the looks of it ay mabibigyan ng puwang si Xian.

Hindi na bago sa kanya ang landas na gusto niyang tahakin.

Last year, Xian directed an episode of Vicky Morales’ Wish Ko Lang.

“Directing fuels my soul,” pag-amin ni Xian na halos “magmakaawa” that he be given a chance to unleash his direcrorial potential.

Hindi naman binganggit ng aktor kung anong genre o uri ng materyal ang gusto niyang idirek.

Wala ring mention who he’s eyeing to star in it, o kung dapat ba’y kabilang din siya sa cast.

On taking on acting jobs, bet naman ni Xian ang mga so-called dark genre.

Hindi pa raw kasi siya nakakaranas bumida sa ganoong offbeat material. Ronnie Carrasco III

Previous articleRapper sa Cebu kulong sa pamamaril sa Kano
Next articleDrug syndicate leader sa Cebu nadakip sa Cavite