Home ENTERTAINMENT Xian, nakakita na ng kapalit ni Kim?

Xian, nakakita na ng kapalit ni Kim?

Manila, Philippines- It’s a tie!

Ito ang isinisigaw ng mga netizens na patuloy na nakatutok sa kwestyonableng relasyon ngayon nina Kim Chiu at Xian Lim.

Dahil nauuso these days ang hiwalayan sa showbiz, ang hinihintay naman ay kung susunod na raw bang aamin sina Kim at Xian?

May mga indicators na raw kasi.

Of late, nauugnay si Kim kay Paulo Avelino.

Not only because magkasama sila sa Pinoy adaptation ng isang Koreanovela, but because balita ring Paulo and rumored girlfriend Janine Gutierrez are going through a rough patch.

Sey naman ng mga netizens, in that case ay amanos o quits na sina Kim at Xian.

Pinangalanan na kasi ang babaeng nali-link kay Xian.

Kinilala siya bilang Iris Lee who works with Viva.

Hindi tiyak kung ano ang katungkulan ni Iris sa Viva.

But if ever Xian is seen with this girl ay hindi kataka-taka as the actor is under Viva Artists Agency.

Some netizens are simply inclined to believe na ito ang posibleng ipinalit ni Xian kay Kim dahil tunog-Chinese din ang Lee.

Sa ngayon, tahimik si Xian despite being provoked to shed light on the hiwalayan issue.

Maging ang comment box ng kanyang Instagram ay naka-off kaya walang mababasang kahit ano mula sa mga curious netizens.

As for Kim, nagiging tampulan siya ng mga “pailalim” na biro mula sa kanyang mga co-hosts sa It’s Showtime. Ronnie Carrasco III

Previous articleAte Vi, tinamaan ng flu, hindi nakasama sa parada!
Next articleSignal No. 2 itinaas sa 6 na lugar sa bagyong Kabayan