Home ENTERTAINMENT Xian, umiiwas sa tanong, in-off ang comment box ng IG!

Xian, umiiwas sa tanong, in-off ang comment box ng IG!

Manila, Philippines- Consistent si Xian Lim sa pagiging non-reactionary sa isyung it’s all over between him and Kim Chiu.

For the record, kung confirmed na ngang wala na sila ay 12 years din silang magnobyo.

Making the rounds of social media ang umano’y dahilan ng paghihiwalay nila ni Kim.

Already of marrying age ay tila wala raw plano si Xian sa future nila ng nobya.

Siyempre nga naman, feeling ni Kim ay napag-iiwanan na siya as most if not all of her celebrity friends are now married.

Back to Xian, kapansin-pansin na wala siyang updates lately sa Instagram.

Kung meron man, obyus na sinadya niyang i-off ang comment box kaya gustuhin man siyang tanungin, usisain o kumustahin man lang ng netizens ay impodible.

Pero saan ka, busy si Xian with other things!

Isang katibayan ay ang video showing him attending the Christmas party of a footwear brand.

Makikitang nagpaunlak pa ng awitin ang aktor.

Xian was also gamely hobnobbing with the fans.

Kamakailan din ay um-attend siya ng storycon for a movie to be directed by Mark Reyes.

A collaborative project between GMA Pictures and Viva Films, Xian is set to shoot the film Playtime with Coleen Garcia, Faye Lorenzo and Sanya Lopez.

Pero tiyak na wala nang kawala si Xian sa itatakdang mediacon for his GMA’s newest teleserye.

Ito ‘yung nabalam for a while ang taping na Love. Die. Repeat. with Jennylyn Mercado.

Whether he likes it or not, Xian will have to answer media questions pertaining to him and Kim. Ronnie Carrasco III

Previous articleJC, nabablangko kay Papa P!
Next articleSuspensyon sa SMNI walang basehan, kulang sa due process – Padilla