Home ENTERTAINMENT Yael, nag-propose kay Karylle, muling ikakasal!

Yael, nag-propose kay Karylle, muling ikakasal!

Manila, Philippines- After ten years bilang mag-asawa, sinorpresa ni Yael Tuzon (frontman ng bandang Spongecola) ang asawang si Karylle sa It’s Showtime  last Monday,February 26, at dito’y muli siyang nag-propose ng panibagong kasal sa kanyang asawa sa harap ng madlang pipol.

Ayon pa kay Yael, may bagay daw siya na hindi nagawa kay Karylle pagkatapos ng isang dekada na pagsasama nila bilang couple.

Sa pagpapatuloy ng programa, biglang lumuhod si Yael at saka  dinukot ang singsing mula sa kanyang bulsa at nag-propose na siya kay Karylle.

“Will you marry me again?” sabi ni Yael at nag “Yes” naman si Karylle.

Marami daw silang ups and downs sa kanilang ten years na pagsasama.

“May mga ups ang downs  pero mas marami ang ups,” sabi ni Yael. Ador Saluta

Previous articleMasaker, tortyur sa Bohol ops itinanggi ng PNP, AFP
Next articleP56B utang oks sa JICA para sa Manila subway