Home ENTERTAINMENT Yana, nangakong hindi iiwan ang manager!

Yana, nangakong hindi iiwan ang manager!

Manila, Philippines- Naging emosyunal ang Xmas party ng 3:16 Media Network na pinamumunuan ng talent manager na si Len Carillo.

Hindi na rin mabilang ang mga talents ni Mama Len na karamihan ay nakakontrata sa Viva Artist Agency at lumalabas sa Vivamax at Viva 1.

Napagsabihan ni Len ang kanyang mga alaga na mahalaga sa industriya ang salitang utang na loob at respeto.

Ito ay pagkatapos na maglabasan ang isyu na diumano’y gustong kumawala sa kanyang kwarta ang isa sa kanyang mga prime artist na si Sean de Guzman.

Nakausap namin ang isa sa mga promising talents ni Mama Len na si Yana Sonoda at sinabi niyang hindi niya iiwan si Mama Len.

Gaya ng ibang mga artists ay teary-eyed si Yana sa pangaral na ibinigay ni Mama Len sa kanila.

“I truly understand kung bakit nalagsabihan kami ni Nanay Len and I truly appreciate it kasi lalang nabubuksan yung kaisipan namin sa mga dapat at hindi dapat gawin sa industry,” sabi pa ni Yana.

Si Yana ay galing sa isa pang streaming app na ngayon ay nakatakda nang gumawa ng mga pelikula sa Viva 1.

Ilan sa mga movies na nagawa ni Yanna ay ang Pula Ang Kulay Ng Gabi with Aljur Abrenica and Losers-1 Suckers-0 with Ara Mina.

FYI, si Yana ay half-Japanese and half-Filipina.

Nakapagtapos si Yanna ng Bachelor of Law sa isang university sa Japan ngunit hindi siya nakakuha ng license to practice dahil sumali siya sa Miss Universe Japan.

“My priority right now is my showbiz career,” pagdidiin pa ni Yanna.

Soon ay mapapanood na natin si Yanna sa Viva 1 streaming app. JP Ignacio

Previous articlePNP: Focus crimes bumaba mula Sept. 1 ‘gang Dec. 19
Next articleJN.1 tinukoy na COVID variant of interest