Manila, Philippines – Naging very vocal ang Vivamax star na si Yen Durano sa kanyang pakiusap sa mga lalaking nakaka-love scene sa kanyang mga pelikula.
Sa mediacon ng movie na Patikim-tikim, sinabi niyang mas gusto niya kapag babae ang kanyang nakaka-partner kesa sa lalaki.
May mga bounderies daw kasi siya kapag lalaki ang kanyang kapareha.
“Girl to girl, ‘yun mas gusto ko sa eksena. In real life, I like women din, naa-attract ako sa babae pero hindi pa ako nagkakaroon ng relasyon sa girl.
“Sa love scenes lang, mas prefer ko talaga ‘yung girl to girl dahil at least, hindi ako binabastos.
“Sa guy kasi, I know what guys think kaya may mga bounderies ako.
“Also, humihingi ako lagi ng respeto sa mga lalaking kaeksena ko. Kinakausap ko na agad sila at sinasabi ko ang aking limitations,” paliwanag ni Yen.
Sinabi rin ni Yen na wala pa naman siyang na-experience na dini-disrespect siya ng mga kaeksenang lalaki at malamang ay nag-o-overthink lang siya.
“May mga bounderies lang talaga ako liko, ‘don’t touch this part,’ ganu’n,” sabi pa ni Yen.
Since ang title ng kanyang movie na pino-promote ay Patikim-tikim, natanong kay Yen kung okay lang ba sa kanya ang tumikim ng ibang guys na walang seryosong relasyon?
“‘Yung tikiman, I’m done witj that. Mas gusto ko ngayon yung seryoso, yung simpleng buhay na pangmatagalan, yung may isang malaking bahay and may Golden Retriever,” pahayag pa ni Yen.
Binanggit din ni Yen na isang araw ay gusto rin niyang makagawa ng mainstream movie ay ‘yun daw ang kanyang goal.
Kasama ni Yen sa Patikim-tikim sina Jena Chloe, Apple Dy at Jaggy Lejano, directed by award-winning director na si Joey Reyes. Streaming na ang nasabing pelikula sa Vivamax on September 15. JP Ignacio