Home ENTERTAINMENT Yen, mas bet ang girl to girl love scene!

Yen, mas bet ang girl to girl love scene!

Manila, Philippines – Isa ang anak ni DJ Durano na si Yen sa mga bagong leading ladies ng Vivamax Film titled Patikim-Tikim sa direction ni Jose Javier Reyes streaming starting September 14, 2023.

Sa mediacon ng said Vivamax Film ay nasabi nitong si Yen na mas preferred niya ang girl to girl love scenes.

Ang paghuhubad sa Vivamax movie ang isa lamang sa paraan para mapansin ang kanyang acting ability at nagtagumpay siya sa mga eksena niya sa Patikim-Tikim.

“Huwag ninyong sabihin sa kanya!” natawang reaksiyon ni Yen sa obserbasyong mas magaling siyang artista kesa sa tatay niya.

“Actually, sabi sa akin ni Direk Joey, I was asking him, ‘How you want me to portray the character? And as he always say, ‘Just be yourself.’

“It’s a chill shoot lang.”

Matitindi ang mga sexy scene ni Yen sa Patikim-Tikim at hindi ito nag-atubiling gawin dahil sa kanyang pangarap na balang-araw, mabigyan siya ng mainstream movie project.

“That’s the main goal,” pag-amin ni Yen.

May mga lesbian love scene si Yen sa Patikim-Tikim at ayon sa kanya, mas komportable siyang kapareha ang kapwa babae.

“In real life, I like women. Nagagandahan ako, naa-attract ako, but I wouldn’t really be in a relationship with one.

“Mas preferred ko yung girl-to-girl [love scenes] since mas comfy ako.

“Alam kong hindi ako binabastos, walang thoughts na ganoon.

“Kasi, aware pa rin naman ako especially with love scenes with guys. I know how guys play.

“I am just doing work but diyan ka lang. Do your job. May boundaries lang.”

Pinalakpakan ang Patikim-Tikim dahil sa magandang kuwento, nakakatawang eksena, at mahuhusay na pagganap nina Yen kasama sina Aerol Carmelo, Apple Dy, Chloe Jenna, Jaggy Lejano, at maging ng direktor na si Joey na may markadong partisipasyon.

Mga baguhan ang cast members ng Patikim-Tikim, pero nagpakitang-gilas sila sa pag-arte.

Sa true lang and in pernes, boom ganernn!

Wish lang ni yours truly ay maka-partner nitong si Yen si Michelle Dee sa isang girl to girl relationship movie. Mercy Lejarde

Previous articleAga, nag-throwback sa spirituality ng namayapang manager!
Next articleLovelife ni Gladys, inokray, rumesbak sa mga basher!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here