Manila, Philippines- Mahigit sampung taon ding karelasyon ni Ynez Veneracion si Mon Confiado.
Eighteen years old lang siya noon, who was admittedly at her lowest point.
That time daw kasi ay sumadsad ang kanyang career.
Bale ba, hindi nagsilbing support system ni Ynez ang kanyang pamilya.
Hindi rin daw niya naasahan ang akala niyang mga kaibigan.
Kumbaga, Ynez had no one else but Mon na naging sandalan niya sa madilim na bahaging ‘yon ng kanyang buhay.
Taong 2006 nang muntik na silang magkaroon ng anak ni Mon kung hindi siya nakunan.
Three years later when they took separate ways.
Simple lang ang ibinigay na dahilan ng dating sexy actress why her relationship with Mon was a failure.
Bagama’t aminadong nabaliw-baliw siya sa pag-ibig, hindi raw niya kinaya ang pagiging lapitin ni Mon sa mga babae.
“Ako na ang sumuko,”sabi ni Ynez.
Nasundan ito ng pakikipagrelasyon niya kay dating Maguindanao Congressman Toto Mangudadatu.
Nagbunga ‘yon ng isang anak they named Princess Keilah.
Kaso, it was another failed relationship.
But there’s no stopping Ynez from falling in love again.
Sa ikatlong pagkakataon and hopefully the last, Ynez has finally found who she thinks is her Mr. Right.
Muling tumibok ang puso ng aktres kay Brian Recto, 15 years her junior.
May isa silang anak ni Brian named Jiana Kyler.
Looking back, maraming aral ang natutunan ni Ynez from her previous relationships lalo pa’t she takes pride in having her two daughters. Ronnie Carrasco III