Home ENTERTAINMENT Young actor, may ka-churvahan na international performer?

Young actor, may ka-churvahan na international performer?

Manila, Philippines – This young actor once again denied the famous director’s allegation that he was the one being alluded who has had two successive nights with a famous international singer for a whopping sum amounting to two million pesos.

Pagkatapos ng kanyang paglilinaw sa pamamagitan ng Facebook live, humarap naman siya sa isang grupo para itanggi ang isyu.

Hindi naman daw niya masisisi ang mga tao sa social media dahil hindi naman nila nakikita ang katotohanan.

Tanggap na raw niyang ganun talaga sa showbiz.

Pero alam raw niya sa kanyang sarili na hindi siya yun.

Pabirong sinabi ng nag-interview sa aktor na ang laki raw ng halagang “dalawang milyon” at mahirap tanggihan.

Sabi pa ng aktor, hindi raw talaga siya yun. Kumbaga, masaya raw siya kung ano ang kinalalagyan niya sa buhay.

Meron man daw o wala, sanay siya sa hirap.

Nagkausap naman daw sila ng nasabing direktor dahil nag-reach out naman ito pagkatapos ng kanyang post.

After one day, nag-chat na raw ito sa kanya nu’ng marami na ang nagta-tag sa kanya.

Sinabi ng aktor na may respeto siya sa kahit ano’ng gender. Wala raw siyang sinisino o hinuhusgahan.

Kung hinuhusgahan man daw siya ng mga tao, hindi naman siya nanghuhusga.

Kumbaga, sinu-surrender na lang daw niya sa Itaas.

Anyway, marami ang nagsasabing kung hindi siya guilty, bakit kailangan pa raw niyang mag-live sa Facebook para ipagtanggol ang kanyang sarili?

Dinedma na lang daw sana niya para di na lumaki ang isyu.

Sagot naman ng gwapong aktor, nag-live raw siya dahil may mga friends raw siya na nagri-reach out sa kanya.

Nilinaw raw niya dahil marami ring isyu na sinasabing di raw siya nagsalita.

This time, gusto na raw niyang magsalita para matapos na ang mga intriga.

But just the same, may nasasabi pa rin daw ang tao sa kanya. Parang di na raw niya alam ang kanyang gagawin kung saan siya lulugar.

Pero bakit siya ang tinag ng mga kaibigan niya tungkol sa blind item na iyon?

Kasi, may mga pictures raw siya before na kasama niya ang friends niyang gays.

Yung iba raw kasi, kapag may mga kaibigan siya o kasamang bading, masama na kaagad ang tingin nila. Yun daw ang impression. Pete Ampoloquio Jr.

Previous articleSharon at Kiko, nag-iwasan sa Xmas party!
Next articleAlden, may pasubali sa guesting sa E.A.T.!