Home NATIONWIDE ‘Z benefit’ para sa breast cancer patients itinaas ng PhilHealth sa P1.4M

‘Z benefit’ para sa breast cancer patients itinaas ng PhilHealth sa P1.4M

MANILA, Philippines- Itinaas ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang “Z-benefit” package nito para sa breast cancer patients mula P100,000 sa P1.4 milyon.

Sinabi ni PhilHealth president at chief executive officer Emmanuel Ledesma Jr. nitong Biyernes na inaprubahan ito at bukod pa sa 30-percent increase sa lahat ng PhilHealth benefits.

“[Breast cancer] is really very common with everyone. So that’s 14 times, 1,400 percent increase. I think that’s just one of the accomplishments that can put a smile on the face of the Filipino people,” pahayag niya sa isang press conference sa Pasig City.

Ang Z-benefit packages ay mga serbisyo at rates para sa “Case Type Z” o catastrophic illnesses na maaaring magresulta sa matagal na pagkakaospital at malalang sakit sakaling hindi maagapan.

Matatandaang noong Feb. 14, umiral ang inflation adjustment factor na 30 percent para sa existing case rates kasunod ng paglagda ni Ledesma sa PhilHealth Circular No. 2024-001 noong Jan. 29. RNT/SA

Previous articlePhilSA nagbabala vs debris mula sa rocket launch ng Tsina
Next articleAnibersaryo ng EDSA People Power ginunita sa kilos-protesta vs Cha-cha