Manila, Philippines – Teritoryo noon ng EliKoy nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos ang pagpapakilig sa BL stories.
Katunayan, pumatok ang tambalan nila sa “Gameboys” na mula sa serye ay naging movie.
Nagkaroon na rin ng following ang kanilang tambalan pero just like any social experiment, panahon na para mag-explore sila sa ibang roles to satisfy their souls.
Ngayon, mainit-init na pinag-uusapan ang eksena nina Zaijan Jaranilla at Miggy Jimenez sa seryeng “Senior High.”
Agresibong hinalikan ng karakter ni Poch (Miggy) si Tim (Zaijan) na ikinabigla ng huli.
Sa nasabing eksena, maraming kinilig na netizens.
Sey pa nila, may chemistry ang dalawa at sana ay gumawa rin sila ng BL.
Hindi na bago kay Zaijan ang mag-portray ng gay role.
Bumida na rin siya sa pelikulang Boyette: Not a Girl Yet.
Sa kaso naman ni Miggy, naging palaban na rin siya sa hubaran sa LGBTQA+ movie na “Two and One.”
Napansin din siya ng mga kritiko sa kanyang pagganap sa Cinemalaya movie na “Ang Duyan Ng Magiting.” Archie Liao