Home ENTERTAINMENT Zeinab, nagbigay ng Rolex kay Ray Parks!

Zeinab, nagbigay ng Rolex kay Ray Parks!

Manila, Philippines – Ang swerte naman ng basketbolistang si Ray Parks Jr. dahil nagkaroon siya ng girlfriend na sobrang generous, ang social media personality na si Zeinab Henake. Noong Valentine’s Day kasi, na nagkataon na birthday din ng nasabing basketball player, ay niregaluhan siya ni Zeinab ng mamahaling relo na Rolex.

At ang presyo nito ay umabot sa humigit kumulang P900,000, na talagang hinanap pa ni Zeinab sa Hong Kong.

Pagbabahagi ni Zeinab, hirap na hirap siya na mag-isip kung ano ba ang kanyang ireregalo kay Ray dahil bukod sa Valentine’s ay birthday nga rin nito.

Sabi ni Zeinab, “Akala ko ako ‘yung mahirap regaluhan pero nakatagpo ako ng katapat, si Daddy Ray ‘yun. Ang hirap niyang regaluhan. Ayoko rin talaga sanang bigyan siya ng ganoong regalo pero wala, e. Parang nili-lead ako para ‘yun ang iregalo ko kasi sobrang hilig ni Daddy Ray sa watch.

“Bumili ako ng Rolex sa Hong Kong. Grabe ‘yung pinagdaanan ko para lang mahanap ‘yang chocolate Rolex na ‘yan.”

Kaya raw chocolate ang pinili niyang color ng Rolex na binigay niya kay Ray ay dahil gustong-gusto niya ang kulay ng boyfriend.

“Sobrang in love ako sa kulay niyang moreno. ‘Yung black na color na meron siya, siguro ‘yun yung number 1 na nakapagpa-inl love sa akin. Kaya ‘yung watch talaga na pinush ko, nakarating pa ako ng Hong Kong dahil doon sa color na ‘yun,” sabi pa ni Zeinab. Rommel Placente

Previous articleDivorce bill tinalakay na sa Kamara
Next articleCase disposition rate ng DOJ noong 2023 pumalo sa 89%