Home NATIONWIDE Zelensky nangako ng tagumpay ng Ukraine vs Russia sa second war anniversary

Zelensky nangako ng tagumpay ng Ukraine vs Russia sa second war anniversary

UKRAINE – Nangako si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na magtatagumpay ang bansa laban sa Russia sa ikalawang anibersaryo ng pananakop nito.

“We will win,” sinabi ni Zelensky sa seremonya sa Gostomel airport sa Kyiv, na tinarget ng Russia sa mga unang araw ng all-out assault noong 2022.

Kasama niya ang Canadian, Italian at Belgian prime ministers maging si EU Commission chief Ursula von der Leyen na nagtungo sa Kyiv para gunitain ang anibersaryo.

Kasabay nito, hinimok ni NATO chief Jens Stoltenberg ang Ukraine na huwag mawalan ng pag-asa habang pinuri naman ni
von der Leyen ang “extraordinary resistance” ng nasabing bansa. RNT/JGC

Previous article622K Pinoy namasyal sa Japan – JNTO
Next articleDive industry nag-ambag ng P73B sa ekonomiya