Home NATIONWIDE Zelenzky sumaludo sa Ukrainians sa ika-500 araw ng giyera vs Russia

Zelenzky sumaludo sa Ukrainians sa ika-500 araw ng giyera vs Russia

309
0

KYIV, Ukraine– Nagbigay-pugay si Pangulong Volodymyr Zelensky sa mga “matatapang” na nakikipaglaban para sa Ukraine sa ika-500 araw ng pagsalakay ng Russia nitong Sabado.

Inilathala ni Zelensky sa social media ang isang walang petsang video clip ng pagbisita sa Snake Island sa Black Sea — isang simbolo ng pagsuway ng Ukraine laban sa Russia.

“Today we are on Snake Island, which will never be conquered by the occupiers, like the whole of Ukraine, because we are the country of the brave,” aniya.

“I want to thank from here, from this place of victory, each of our soldiers for these 500 days,” dagdag pa niya.

Nanalangin din si Zelensky para sa mga biktima ng digmaan kasama si Patriarch Bartholomew, ang pinuno ng mga Kristiyanong Ortodokso sa mundo, pagkatapos ng isang panrehiyong paglilibot upang magbigay ng suporta bago ang NATO summit sa susunod na linggo.

Ang UN ay nakapagtala ng 9,000 sibilyan na pagkamatay mula noong magsimula ang digmaan noong Pebrero 24, 2022, kabilang ang 500 mga bata, bagama’t tinatantya nito na ang tunay na bilang ay maaaring mas mataas. RNT

Previous article26 lindol, 303 rockfall events naitala sa Mayon sa 24 oras
Next articleKauna-unahang Pinay appointee dadalo sa Vatican assembly

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here