Home ENTERTAINMENT Zia marunong nang maglaba!

Zia marunong nang maglaba!

Manila, Philippines- Nakakabilib ang pagpapalaki ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian sa kanilang mga anak.

Not only are they doting parents.

This early, itinuturo rin nila ang value ng home care.

Dahil balik-trabaho na uli si Marian ay asahan nang lagi siyang wala sa kanilang bahay.

Marian is set to do a teleserye on GMA plus ‘yung ilalahok nila ni Dingdong sa Metro Manila Film Festival.

Being away for work won’t give Marian the luxury of time to take care of Sixto nicknamed Ziggy.

Dito na papasok si Zia na binilinan na pala ng ina na alagaan ang kapatid habang siya nama’y nagtatrabaho.

Zia is seven years old.

Not only is taking care of her little brother ang scope ng trabaho ni Zia.

Sa katunayan, may checklist daw si Marian ng mga household chores na gagawin ni Zia.

Mga basic tasks lang naman daw ‘yon tulad ng pagpatay ng mga ilaw at TV when not in use, ang paglilinis ng kanilang kuwarto, ang pag-aayos ng kanilang mga damit at iba pa.

Nahiya pa ngang aminin ni Marian na bilin din niya kay Zia ay labhan nito ang kanyang underwear after use.

Puring-puri naman ng aktres ang kanilang panganay for being smart and organized.

Kampante nga raw siya na wala sa bahay dahil naroon si Zia working her way around.

Hindi malayong turuan na rin ni Marian si Zia kung paano magluto. Ronnie Carrasco III

Previous articleChina sa Ayungin Shoal incident: PCG ang pumasok sa teritoryo namin
Next articleRice buffer requirement sa 2022 bigong maabot ng NFA – COA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here