Manila, Philippines – Even married celebrity couples share their weĺl-kept secrets and laugh about them.
Ganito kalalim ang pagsasama ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.
In what turned out to be a grilling session, piniga ni Zoren, ng mga anak na sina Mavy at Cassy at GMA lady executive Anette Gozon-Valdes si Carmina sa kanyang 37th birthday celebration sa Sarap Di Ba?
Tanong ni Gozon, sa tagal na nga naman ni Carmina sa showbiz, bukod kay Zoren ay meron din ba siyang muntik na makarelasyon na naudlot lang for one reason or another?
“Wala!” ang walang kagatul-gatol na sagot ng TV host.
Akala yata ni Carmina’y hindi kabisado ‘ika nga ni Zoren ang likaw ng bitukan niya.
Pagkokorek ni Zoren: “Meron…taga-ibang channel!”
Only then did Carmina realize na: “Oo nga pala, tatay!”
August 2020 nang muntik nang maging hot item sina Piolo at Carmina.
Super close ang dalawa to the point that they almost hit it off.
Pero hindi nga ‘yon natuloy.
Pag-amin noon ni Carmina patungkol kay Piolo, ang aktor daw ang tipong nililigawan and not the other way around.
Bagama’t hindi nga naging magkasintahan ay nananatiling close sina Carmina at Piolo sa isa’t isa.
For the record, bago dumating si Zoren sa buhay ni Carmina ay nakarelasyon muna ng aktres ang noo’y si Rustom Padilla.
Humantong sa kasalan ang kanilang relasyon.
As everybody knows, as Rustom once declared: “Rustom Padilla is dead!”
Mas kilala na si Rustom ngayon bilang BB Gandanghari, and she’s both happy and proud of her transformation. Ronnie Carrasco III