Home NATIONWIDE Zubiri kay PBBM: Chinese envoy pauwiin na sa Tsina kasunod ng pambomba...

Zubiri kay PBBM: Chinese envoy pauwiin na sa Tsina kasunod ng pambomba sa PH supply ship

MANILA, Philippines- Mariing hiniling ni Senate President Juan Miguel Zubiri kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pauwiin na si Chinese Ambassador Huang Xilian pabalik ng China matapos bombahin ng Chinese Coast Guard (CCG) ang resupply ship ng Pilipinas patungong BRP Sierra Madre kamakailan.

Hiniling ito ni Zubiri matapos muling nanghimasok at nanggipit ang CCG sa loob ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) partikular sa Scarborough Shoal, at ngayon sa Ayungin Shoal.

“I urge President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. to send the current Chinese Ambassador home. He has done nothing to address the continued attacks of his government on our troops and on our people,” ayon sa Senate President sa statement.

Nitong umaga ng Linggo, binomba ng CCG ang isang barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng routine resupply at rotation mission sa BRP Sierra Madre na nakadaung sa Ayungin Shoal.

Lubhang nasira ang makina ng M/L Kalayaan at mast ng BRP Cabra bukod sa nalagay sa panganib ang buhay ng crew.

Matinding kinondena ni Zubiri ang insidente sa pagsasabing “walang puso” ang China.

“I strongly condemn the latest attack of Chinese ships on Philippine government vessels in the West Philippine Sea,” aniya.

“This was a humanitarian mission, and still China chose to attack them. THEY HAVE NO HEART. They have gone from unlawfully blocking us from navigating our own waters to now deliberately damaging our vessels and endangering the lives of our people,” dagdag niya.

Kinondena rin ng National Task Force-West Philippine Sea (NTF-WPS) ang huling panghihimasok at panggigipit ng China kaya nalagay sa kuwestiyonableng posisyon at pagdududa ang sinseridad ng China sa diyalogong pangkapayapaan.

Nitong Sabado, binomba din ng CCG ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na naglalayag sa Scarborough Shoal upang mamahagi ng langis at iba pang suplay sa mangingisda sa lugar.

Inihayag naman ni Senator Joel Villanueva na kahit malaki at makapangyarihang bansa, hindi nabibigyan ng karapatan ang China na bombahin ng tubig at gipitin ang barko ng Pilipinas kundi man harangin ito na nagsasagawa ng humanitarian missions.

“Kahit gaano pa karaming armas at kalaking barko ang iharang ng China, hindi magbabago ang katotohanan na ang pinaglalabanang teritoryo ay sa Pilipino,” aniya saka hiniling sa China na tuparin ang international laws at itigil ang panghihimasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas. Ernie Reyes

Previous articleMIAA: Bilang ng pasahero sa nitong Nob. 2023 sumasalamin sa pre-COVID figures
Next articleDarren, nagkaroon ng wardrobe malfunction sa Qatar!