Home HOME BANNER STORY Zubiri kinuwestiyon sa pagsusulong ng Cha-cha: ‘Para kanino?’

Zubiri kinuwestiyon sa pagsusulong ng Cha-cha: ‘Para kanino?’

MANILA, Philippines – Kinuwestiyon ng minority bloc sa Senado ang pagsisigasig ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagrerebyu ng 1987 Constitution na nililimatahan sa economic provisions na kautusan ng Palasyo sa Kongreso.

Kapwa nagkaisa sina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III at Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sa pagkuwestiyon kay Zubiri sa pagsusulong ng charter change.

Sa pagkuwestiyon kay Zubiri, sinabi ni Pimentel na pawang “knee-jerk reaction” sa inilalakong “peoples’ initiatives ang ginawa ng lider ng Senado sa paghahain ng Resolution of Both Houses No 6 na naglalayong rebyuhin ang 1987 Constitution.

“The filing of RBH 6 was in contrast to the previous Senates’ adamant stand against Charter amendments,” ayon kay Pimentel.

“Nasindak kami doon sa people’s initiative? That must be knee jerk reaction. Relax lang, tingnan natin, when the dust settles makita mo na wala, there’s no need to have reacted that way,” giit ni Pimentel sa phone interview.

Ngunit, pinabulaanan ni Zubiri ang obserbasyon ni Pimentel sa pagsasabing nagkaroon ng konsultasyon sa economic team ng Palasyo kasama ang chief executive kaya isusulong ang pagrebyu sa economic provision ng 1987 Constitution.

“Hindi nasindak ang Senado sa PI but after consultations with the economic team, together with the President, [we found] that most of the investment pledges to the country are pending due to the several cases filed with the Supreme Court on the constitutionality of the PSA law… No other reason but that,” ayon kay Zubiri.

 Kasabay nito, binalaan naman ni Hontiveros ang kasamahan sa Senado na maghinay-hinay sa landasin na tutunguhin ng charter change.

“I am strongly, with all due respect, cautioning my colleagues: the ChaCha journey is treacherous, impractical, divisive, and unwise. Why are we attempting to solve our economic problems by creating another problem?,” giit ni Hontiveros.

“ChaCha can be transformative, but NOT when it is triggered by multiple hidden agendas, power struggle, and in-group bickering,” ayon pa kay Hontiveros.

Tulad ni Pimentel, nagugulumihanan si Hontiveros kung bakit biglang gumulong at ipinipilit ngayon sa taumbayan ang charter change.

“Kung foreign investments lang din naman ang nais natin, mas mabuti kung palakasin muna natin ang loob ng mga mamumuhunan dito sa atin. We need to build confidence in governance by eliminating corruption and improving our business environment, not by creating more instability through ChaCha,” aniya.

Sinabi ng senador na kapag binuksan ang Saligang Batas, magiging bukas ang sistema sa krusyal na industriya tulad ng public utilities, edukasyon at advertising para sa   100 percent foreign ownership na malalantad ang bansa sa panganib sa seguridad at hihina ang pambansang interes sa oras kaguluhan sa buong mundo.

“And yet, ngayon pa lang, marami nang sakit ng ulo — mula sa security risk at pangit na serbisyo — ang hatid ng 40 percent ownership ng China sa state grid operator, ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). That is a giant red flag we should not ignore. It is very obvious that this ChaCha will not put an end to this, and other economic woes,” aniya.

“So I am appealing to my colleagues in the Senate, let us move for more practical solutions that don’t involve creating bigger problems,” giit ni Hontiveros.

Kasabay nito,  inihayag ni Senador Lito Lapid na hindi simpleng bagay ang pag-amyenda sa ating Saligang Batas dahil maraming tanong ang dapat sagutin o tugunan ng proponents.

“Una na po diyan ay kung kailangan bang amyendahan ang Konstitusyon. Tapos ay kung ano ang dapat baguhin. Panghuli ay kung paano ito dapat gawin,” aniya.

Sinabi ni Lapid na   tiyak na napakaraming tinig sa bawat  hakbang ang dapat pakinggan, maraming bagay ang dapat aralin. “Subalit ang pinakamahalaga po na dapat nating malaman sa prosesong ito, kung para po kanino ang Charter Change. Sino po ang makikinabang sa bawat panukalang pagbabago?”

“Napakalaki po ng bahagi ng inyong Senado sa anumang usapin ukol sa ating Konstitusyon. Tayo po ay inihalal ng buong bansa para makita ang perspektibo na iba subalit katuwang ng pananaw ng House of Representatives. Anuman pong inisyatiba na mag-aalis sa tinig ng Senado ay nagbabalewala ng tinig ng milyun-milyong Pilipinong naglagak ng kanilang pag-asa sa atin upang maging tinig nila sa lehislatura,” ayon kay Lapid.

Aniya, nakahanda ang Senado sa hamon na pag-usapan ang mga panukalang pagbabago sa ating Konstitusyon.

“Tiwala po tayo sa  ating Senate President Migz Zubiri at sa pamunuan ng Senado na pangunahan tayo sa isang makabuluhang pag-aaral ng ating Konstitusyon kung saan ang interes ng bayan ang magiging pinakapangunahing konsiderasyon at batayan ng anumang magiging pasya ukol dito,” ayon kay Lapid. Ernie Reyes

Previous articleSuspension ng PhilHealth premium rates hike, suportado sa Senado
Next articlePagtanggap ng signature forms sa Cha-cha parte ng trabaho ng Comelec