Home NATIONWIDE Zubiri nangakong pipirma sa subpoena vs Quiboloy

Zubiri nangakong pipirma sa subpoena vs Quiboloy

MANILA, Philippines- Inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Biyernes na lalagdaan niya ang subpoena laban kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) leader Pastor Apollo Quiboloy kaugnay ng umiiral na Senate probe sa umano’y human trafficking at sex-related crimes ng religious leader.

“I have been told by my staff that the issuance of the subpoena for Pastor Apollo Quiboloy has been prepared and is now ready for my signature. I am just in the Visayas at the moment for several engagements, but I will sign all these documents upon my return,” wika ni Zubiri.

Sa Kapihan sa Senado nitong Huwebes, tinanong si Hontiveros kung bakit hindi pa naaaprubahan ang kanyang hiling na maglabas ng subpoena ang Senado. Tugon niya: “Mas maigi itanong niyo kay SP (Senate President) para kanilang maipaliwanag.”

“In the meantime, hindi na kayang hintayin ng komite yung subpoena. Itutuloy po namin yung pagdinig, lalo na mayroon kaming second batch of witnesses,” dagdag ni Hontiveros.

Ayon kay Zubiri, hindi sinasadya ang pagkaantala at binanggit na “work has piled up” sa gitna ng kamakailang “attacks against the Senate and our democratic institutions due to the fake People’s Initiative.”

Tinutukoy ng Senate President ang signature campaign para sa people’s initiative, na inihihirit sa mga botanteng paboran ang pag-amyenda sa Article 17, Section 1 ng Philippine Constitution upang payagan lahat ng miyembro ng Kongreso na sanib-pwersang bumoto sa panukalang constitutional amendments sa pamamagitan ng constituent assembly.

Tinutulan ng mga senador ang people’s initiative, dahil mahihigitan ang Senado, na binubuo ng 24 mambabatas, ng mahigit 300 Kamara sa isang joint vote.

“The noise has only just settled down during these last few days. In the middle of our efforts to protect the institution, a lot of our administrative work has piled up in my office, including paperwork that needs my signature,” giit ni Zubiri.

Noong Disyembre, inihain ni Hontiveros ang panukalang Senate Resolution 884 na naglalayong imbestigahan ang mga akusasyon laban sa KOJC “to allow us to determine whether our updated human trafficking laws are able to cover large-scale and systemic acts of trafficking done under the cover of a religious organization.”

“Apollo Quiboloy, who styles himself as the ‘Appointed Son of God and the leader of the Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name (KOJC)’, allegedly demands strict obedience from his full-time followers through brainwashing, psychological manipulation and constant threats of eternal damnation,” ani Hontiveros sa kanyang resolusyon.

Sa privilege speech niya noong nakaraang taon, inilahad ni Hontiveros ang mga salaysay ng umano’y mga biktima ng sekswal na pang-aabuso ni Quiboloy.

Hinamon naman ng abogado ni Quiboloy si Hontiveros na idulog ang mga alegasyon sa korte at ibasura ang Senate probe bilang “deception.” RNT/SA

Previous articleAma ni Gerald, bet nang magka-apo!
Next articlePeak ng El Niño nararanasan na – PAGASA