Home NATIONWIDE Zubiri pabor sa pagrebyu ng economic provisions ng 1987 Constitution sa pangunguna...

Zubiri pabor sa pagrebyu ng economic provisions ng 1987 Constitution sa pangunguna ng Senado

MANILA, Philippines – Pormal nang inihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na gusto nitong pangunahan ng Senado ang pagrebyu sa economic provisions ng 1987 Constitution na iniatas umano ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Mataas na Kapulungan.

Sa press conference, sinabi ni Zubiri na ibinigay ni Marcos ang instructions sa ginanap na pulong nito kasama si House Speaker Martin Romualdez nitong Enero 9 at 11 sa Palasyo.

Inihayag ni Zubiri na kanyang tinutulan sa naturang pulong ang isinusulong na “peoples initiatives na hinihinalang nanggaling sa kampo ni Romualdez na pinangungunahan naman ng PIRMA (People’s Initiative for Reform Modernization and Action).

Dati nang pinangunahan ng PIRMA sa panahon ng Ramos administration ang katulad na signature campaign, ngunit ibinasura ito ng Supreme Court noong 1997 dahil walang operational law sa vpeople’s initiative upang amyendahan ang Saligang Batas.

“While we respect and recognize the people as our sovereign, with the right to call for constitutional change, we must guard against any attempt to revise the Constitution by exploiting our democratic process under the guise of a people’s initiative,” ayon kay Zubiri sa press briefing nitong Lunes, Enero 15.

“The proposal subject of the people’s initiative could have led to a constitutional crisis, destabilizing our bicameralism and upsetting the system of checks and balances,” giit ni Zubiri.

Layunin ng kasalukuyang people’s initiative campaign na amendahan ang Saligang Batas na bumoto ang dalawang kapulungan ng Kongreso nang magkasanib sa lahat ng amendment at rebisyon ng Karta taliwas sa umiiral na batas na dapat magkahiwalay.

“While the Senate is vehemently opposed to a dilution of its participation in the task of reviewing the Constitution, we exercised all restraint, because in any conflict, it is always the people who stand to suffer the most,” ayon kay Zubiri.

Aniya, nakipagkita siya kay Marcos nitong Enero 9 ag 11 upang ihayag ang pagtutol sa people’s initiative campaign.

Ayon kay Zubiri, hindi din umano pabor si Marcos sa signature campaign upang amyendahan ang Saligang Batas.

“The President then instructed senators to review the economic provisions of the Constitution in the context of the Public Service Act, which has been amended to allow foreign ownership in certain public services like airports, railways, expressways and telecommunications,” ani Zubiri.

Inabisuhan din umano ni Marcos ang Mababang Kapuungan na pagtibayin ang panukalang Senate resolution kapag naipasa.

Kailangan ng 18 boto na kasalukuyang miyembro ng Senado upang pagtibayin ang resolusyon sa pagrerebyu ng economic provisions ng Saligang Batas na pangungunahan ni Sen. Sonny Angara, chair ng Senate finance committee. Ernie Reyes

Previous article“The Other Side” in Manila ni Mark Tuan, dinumog ng mga fans!
Next articleFolder ng ilang mga pulis na iniimbestigahan, nawawala!