Home HOME BANNER STORY Zubiri, Romualdez nagkasundo: Word war ititigil na

Zubiri, Romualdez nagkasundo: Word war ititigil na

MANILA, Philippines – Nagkasundo na sina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Martin Romualdez na magtrabaho na lamang at itigil na ang palitan ng tirada, kaugnay sa kontrobersyal na people’s initiative para sa Charter change (Cha-cha).

Ang kasunduan ng dalawang lider ng Kongreso ay ginaw sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng birthday celebration ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa MalacaƱang ngayong araw, Pebrero 14.

“Sa harap [ni Presidente] nagkita po kami, nagkamayan po kami… Good news. Nag-usap kami ni Speaker kanina, Sabi po namin let’s work professionally. Tigil muna ang bangayan and let’s continue to work for the benefit of the administration para sa ating mga kababayan,” ani Zubiri.

“Hindi na maganda kung palagi po kaming nagbabangayan at magka-away. So, we committed to talk to each other, hopefully next week, for a secondary meeting kasi mabilis lang po ‘yung pagkita namin kanina, nagkamayan po kami,” dagdag pa niya.

Nang tanungin naman kung may kasunduan din ba na uutusan ang mga miyembro ng Senado at Kongreso na itigil na rin ang banatan, sagot ni Zubiri: Naka-depende ito sa mga senador at kongresista.

Dahil dito, sinabi ng Senate presidente na magkakaroon na ng “smooth flow” sa mga pagpupulong ng bicameral conference committee at pagdinig ng Commission on Appointments.

“Marami pang bills na hindi pa tayo nagkakaron ng bicam e. So, we’ll now be able to call for CA hearings. Mas maganda kasi we’ll have smooth flow. I know, medyo nagkasakitan ‘yung ibang mga senador at mga congressmen, particularly, my majority floor leader, but that does not mean we cannot work professionally,” ani Zubiri.

“Hindi ko naman mapipigil ‘yung ating mga chairpersons sa kanilang iba’t-ibang mga committees. I”ll try a good friendly persuasion, pero we respect the committee process and the chairpersons of the committees,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nagpalitan ng reaksyon ang Senado at Kamara dahil sa people’s initiative efforts, na pinaniniwalaan ng mga senador na suportado ng House leaders, partikular na si Romualdez. RNT/JGC

Previous articleKasalang bayan idinaos sa ParaƱaque, San Juan ngayong Valentine’s Day
Next articleMas mabigat na parusa vs drunk driver, ikinasa sa Senado