Home NATIONWIDE Zubiri sa isyu na palautos sa mga senador: ‘Not in my character’

Zubiri sa isyu na palautos sa mga senador: ‘Not in my character’

MANILA, Philippines – Nanindigan si Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Huwebes, Pebrero 15 na hindi niya ugali ang mag-utos sa mga kapwa Senador kahit na siya ang pinuno ng kapulungan.

“Remember that I am working with 23 independent republics, although we have a super majority now of 22 members. It’s not my attitude and not my character to tell my people what to do. I am only what you call in the Supreme Court ‘one amongst equals,’” sinabi ni Zubiri sa panayam ng ANC.

Iginiit niya na ito ay “beyond pay his grade” para ipilit sa kapwa mga senador ang nais niya.

Partikular niyang tinukoy si Senador Imee Marcos, na naunang kumwestyon sa P26.7 billion alokasyon ng Department of Social Welfare and Development sa Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

“With Senator [Imee] Marcos, it’s beyond my pay grade. She’s a super [sister], right? She’s the sister of the President and the first cousin of the Speaker. But I respect her position, being the chair of the committee on electoral reforms,” ani Zubiri.

Para kay Marcos, ginamit ang AKAP upang hikayatin ang mga Filipino na lumahok sa signature drive na inilunsad ng mga nagsusulong ng people’s initiative para amyendahan ang 1987 Constitution.

“The leader of this institution of the Senate cannot order the senators around. We may appeal, we may ask, but at the end of the day, we respect the committee system, which has been the case in the last 105 years [of] existence of the Senate,” giit ni Zubiri. RNT/JGC

Previous articleMisis pinagtataga ng asawa sa selos
Next articleTolentino: Constitutional dialogue, dapat maging transparent