Home NATIONWIDE Zubiri sa joint military exercise sa Tsina: Para tayong nag-suicide

Zubiri sa joint military exercise sa Tsina: Para tayong nag-suicide

283
0

MANILA, Philippines- Mariing tinabla ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang pagsasagawa ng joint military exercise sa China na itinuturing nitong “suicide” dahil patuloy na nilulusob ng Chinese Coast Guard ang supply ship ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Kasunod ito ng panawagan ni Zubiri ng pag-boycott sa lahat ng kompanya at produkto ng China bilang tugon sa harassment ng China sa barko ng Pilipinas na naglalayag sa loob ng teritoryong karagatan ng bansa.

“Imagine nag-offer po sila na mag-joint patrol at training kasama ng ating military. Pambihira naman kung ginawa natin iyan. Parang nag-suicide po tayo,” ayon kay Zubiri sa radio interview.

“Kapag ginawa po natin iyon, malalaman na nila ang sikreto natin na kapag gusto na nilang i-takeover ang ating bansa, wala pang isang linggo tapos na ang boksing. Sabi ko, hindi pwede iyan,” dagdag ng lider ng Senado.

Nitong Hulyo, inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. na ang-alok ang China na magsagawa ng joint military exercises sa Pilipinas.

Kasalukuyang nagsasagawa ng joint military exercise ang Pilipinas at US sa bansa alinsunod sa itinakda ng EDCA sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.

Sinabi ni Brawner na kanyang pag-aaralan ang nasabing alok na ibinigay ni China ambassador to Manila, Huang Xilian, sa pagdiriwan ng People’s Liberation Army (PLA).

Inihayag naman ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na dapat sangkot ang Department of Foreign Affairs sa anumang joint patrol discussions.

Ayon kay Zubiri, nakatakda itong makipag-usap kay Brawner sa pagtatanggal ng cell towers na pag-aari ng China-backed companies sa loob ng Philippine military bases at pabalikin ang kadete na ipinadala sa military school s China.

“Ako po ay makikipag-meeting din po kay Gen. Brawner, ang ating AFP Chief-of-staff, na tanggalin na iyon (cell towers) dahil baka may CCTV doon, nakikita nila kapag lumalabas ang tropa ng kampo, patay na tayo ‘di ba?” aniya.

Nakatakda din umanong rebyuhin ng Senado ang sapi ng State Grid of China shares sa National Grid Corporation of the Philippines. Ernie Reyes

Previous articlePagdeklara sa Manila Bay bilang ‘reclamation-free zone’ inihirit
Next articlePag-aresto sa reporter sa Iriga City, kinondena

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here