Home NATIONWIDE Zubiri umaasa sa PH-China code of conduct para iwas-gulo sa WPS

Zubiri umaasa sa PH-China code of conduct para iwas-gulo sa WPS

MANILA, Philippines – Umaasa si Senate President Juan Miguel Zubiri na makabubuo na ang Pilipinas at China ng code of conduct (COC) upang maiwasan na ang mga tensyon at engkwentro sa West Philippine Sea.

Ang pahayag na ito ni Zubiri ay kasunod ng anunsyo na pumayag na ang China na tanggapin ang resolusyon na binanggit sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“Ayaw nila ng multilateralism. Ayaw nila ng multilateral talk. Even on a bilateral basis, I think we should have some sort of code of conduct with them,” sinabi ni Zubiri sa isang press conference.

“Huwag naman harangin ‘yung ating supply missions, ‘yung ating mga mangingisda, sana payagan na nilang mabuhay nang matahimik at maghanap ng livelihood dito sa mga lugar na ito to their fishing boats. If we can do that, if we can live peacefully at this point in time with one another, that’s the best,” dagdag pa niya.

Bagama’t sinabi ng Senate chief na ito ay isang “tight dream,” idinagdag niya na nais din nito ng COC-like document upang maiwasan ang paglala ng tensyon sa South China Sea.

Nais din umano ni Zubiri ng “close” relations sa pagitan ng Pilipinas at China katulad ng ugnayan nito sa Vietnam.

“We would like to have that same treatment with China. We can always respect each other. Nandyan na sila. We are not going to cede one inch of territory, pero andiyan na sila at nandito naman tayo pero huwag naman tayo parang war posture,” ani Zubiri.

“We shouldn’t have a war posture with each other. We should be more welcoming, more considerate, and if we can achieve that in this meeting with the APPF when they go home back to their respective governments and talk to their policymakers,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nakailang diplomatic protests na ang Pilipinas laban sa China dahil sa ilang ulit na insidente ng panggigipit sa mga mangingisdang Pinoy maging sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa territorial sea ng bansa. RNT/JGC

Previous articleImee Marcos ‘misinformed’ sa pag-absent ng US lawmakers sa APPF – Zubiri
Next articleBatangas State University wagi sa nationwide parol-making contest ng Palasyo