Home METRO 2 kelot, arestado sa buy-bust ops sa Pangasinan

2 kelot, arestado sa buy-bust ops sa Pangasinan

PANGASINAN-Swak sa kulungan ang dalawang lalaki matapos maaresto sa anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Alitaya, Mangaldan ng lalawigang ito kahapon, Mayo 5.

Sa inilabas na press release ni Lt. Col. Benigno Sumawang, regional public information officer ng Police Regional Office (PRO) 1, ang mga suspek ay sina alyas “Jomel”, 29, tricycle driver at alyas “John”, 29, parehong residente ng Manaoag, Pangasinan.

Ang buy-bust operation ay ikinasa ng Mangaldan MPS matapos silang makipag-ugnayan sa PDEA RO1.

Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga otoridad ng 75 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa anim na transparent plastic sachet na tinatayang nagkakahalaga ng 510,000.

Ang inventory at markings ng mga nakumpiskang ebidensya ay ginawa sa harap mismo ng dalawang suspek at ng mga mandatory witnesses.

Pinuri ni PRO1 Regional Director Police Brig. Gen. Lou F. Evangelista ang mga operating personnel sa tagumpay nilang ito.

Babala ni Evangelista sa mga sindikato ng illegal na droga: “The successful operation is a clear message to drug syndicates that their illegal activities will not be tolerated, and the police will continue to pursue them relentlessly.” Rolando S. Gamoso