Home METRO 2 patay sa sunog sa Caloocan

2 patay sa sunog sa Caloocan

MANILA, Philippines – Umabot na sa dalawang indibidwal ang kumpirmadong nasawi sa sunog na naganap kaninang tanghali sa Caloocan City.

Kasaluyang inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa mga biktima kabilang ang isang bata.

Sumiklab ang sunog dakong 12:00 ng tanghali sa isang dalawang palapag na bahay sa marcela st. ng nasabing lungsod na tumagal ng 45 minuto bago ganap na naapula.

Inaalam din ng mga awtoridad ang posibilidad na may mga biktima pa sa ikalawang palapag ng nasabing bahay na posibleng nakulong ng apoy.

Hindi pa din matukoy ang pinagmulan ng nasabing sunog. Rene Manahan