Home NATIONWIDE Bebot na tumanggap ng parcel sa NAIA na may lamang P218M droga...

Bebot na tumanggap ng parcel sa NAIA na may lamang P218M droga kakasuhan

MANILA, Philippines – Pinakakasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ang taong tumangap ng mga parcel sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na naglalaman ng P218.4 milyon na halaga ng shabu.

Ayon sa DOJ, ang respondent na si Christine Tigranes ay sasampahan ng paglabag sa Section 4 (importation of dangerous drugs) ng Dangerous Drugs Act at Section 1401 (unlawful importation or exportation) ng Customs Modernization and Tariff Act.

Si Tignares ang umano’y recipient ng 31 kilograms ng shabu sa PAIR-PAGS Center sa NAIA Complex mula sa isang Isaac Chikore ng Zimbabwe.

Nagtungo ito sa examination area at nagpakilalang consignee bitbit ang airway bill para sa mga parcel.

Ang iligal na droga ay nakabalot sa apat na kulay brown na mga karton at idineklarang machinery mufflers.

Nagduda ang mga otoridad ng dumaan ang mga parcel sa X-ray machine kaya isinagawa ang physical inspection ng mga item.

Nadiskubre na ang bawat metal machinery mufflers ay naglalaman ng transparent plastic na may white crystalline substances o shabu.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang pag-aresto kay Tignares ay dapat magsilbing babala laban sa mga sangkot sa pagpupuslit ng illegal drugs sa bansa. Teresa Tavares