Home METRO Guinness World Record para sa pinakamaraming na-pedicure sa loob ng 8 oras...

Guinness World Record para sa pinakamaraming na-pedicure sa loob ng 8 oras nasungkit ng bayan sa Cotabato

MANILA, Philippines- Opisyal na inanunsyo ng Guinness World Record na nasungkit ng bayan ng Tampakan sa South Cotabato ang world record para sa pinakamaraming isinagawang pedicure sa loob ng walong oras.

Naungusan ng Tampakan, South Cotabato ang Canada, dating may hawak ng world title noong 2015 kung saan 1,083 indibidwal ang nalinisan ng kuko sa paa sa loob ng walong oras.

Upang makuha ang record, nagsagawa ng pedicure sa 1,447 indibidwal. Subalit, batay sa pagsusuri ng Guinness, ang opisyal na bilang ay 1,223.

Nilahukan ito ng 160 nail technicians sa bayan.

Nagpasalamat ang lokal na pamahalaan sa kooperasyon ng komunidad para sa nasabing pagkilala. RNT/SA