Home ENTERTAINMENT Heart, kinabog ni Pia sa Bulgari; Fans, nag-aaway!

Heart, kinabog ni Pia sa Bulgari; Fans, nag-aaway!

Manila, Philippines- Eto na naman ang walang patumanggang bardagulan sa social media ng mga respective camps nina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach.

Dati na at paulit-ulit ang isyung pananabong sa kanilang dalawa sa international fashion scene.

Ang latest, nag-spill over ito ngayong ang kinuhang brand ambassadress ng Bulgari jewelry ay si Pia.

Eh, anong catch doon?

The catch is that ay noon pa man, inirarampa ni Heart sa mga fashion events ang mga Bulgari jewelry, only to be snubbed at si Pia ang kinuha?

Hindi nga raw ba’t isang malaking insulto ‘yon kay Heart whose supporters ay asang-asa na siya ang kukuning brand ambassadress?

Hirit naman ng mga Heart defenders, “house ambassadress” lang daw si Pia and not a global one.

Hindi raw tulad nina Anne Hathaway, Zendaya at Lalisa.

Still–giit ng mga Pia supporters–house or global ambassadress, Bulgari jewelry pa rin ‘yon!

Kaya naman over the moon ang husband ni Pia na si Jeremy Jauncey sa isa na namang career milestone ng 2015 Miss Universe.

Post ni Jeremy: “Killing it (smile emoji)! Proud of you, baby!”

As usual, nagsisipag-away na naman ang dalawang kampo na sa halip na maging masaya na lang para kina Heart at Pia for their achievements. Ronnie Carrasco III