MANILA, Philippines – Personal na tinulungan ni Senator Christopher “Bong” Go ang libu-libong barangay workers at indigents sa Santa Rosa, Nueva Ecija noong Miyerkoles.
Ininspeksyon din niya ang Multi-Purpose Facility nito na nagsisilbing evacuation center na sinuportahan niya para maitayo bilang vice chair ng Senate Finance Committee.
Kilala bilang Mr. Malasakit, idiniin ni Go na mahalagang patuloy na tulungan ng pamahalaan, partikular ang mga pinakamahihirap na miyembro ng lipunan.
Bilang anak ng Nueva Ecija, namahagi si Go at ang kanyang Malasakit Team ng grocery packs, meryenda, bitamina, masks, kamiseta, basketball, at volleyball sa higit 2,000 benepisyaryo, kinabibilangan ng Barangay Health Workers (BHWs)at mahihirap na residente.







